Thursday, March 01, 2007

2 Bata Tigok Sa Kuryente

DAVAO CITY (Mindanao Examiner /01 Mar) – PATAY ang dalawang magkaibigan matapos silang makuryente ng mahagip ang isang poste sa Barangay Ponciano sa Davao City.

Sa tindi ng lakas ng boltahe ng kuryente ay nasunog ang katawan ni Renz Ryan Medalle, 10, Grade 3 pupil at ang kapitbahay nitong si Emmanuel Brent Guinez, 3, bandang 4:40 ng hapon kamakalawa.

Nabatid ng pulisya na may live wire palang nakausli sa nasabing poste at ito ang tumama sa mga biktima.

Hindi naman mabatid kung sasampahan ba ng kaso ng pamilya ng dalawa ang nagmamay-ari sa poste upang mabigyan ng hustisya ang pagmatay nina Renz at Emmanuel.

Sinisi ng mga residentre sa nasabing barangay ang kawalan ng maintenance sa poste kung kaya’t nagkaroon ng trahedya. Hindi naman agad mabatid kung sa local na power utility ang poste o pagmamay-ari ng cable o telephone companies. (Romy Bwaga)

No comments: