Thursday, March 01, 2007

Lango Sa Alak, Patay Ng Mahulog Sa Gusali

GENERAL SANTOS CITY (Mindanao Examiner / 01 Mar) – ISANG LASING ang nasawi matapos itong mahulog mula sa ikalawang palapag ng bahay sa Barangay Labangal sa General Santos City.

Lango umano sa ispiritu ng alak si Julio Libradilla dahil nakipag-inuman sa mga barkada ng ito’y mahulog kamakalawa ng gabi.

Sinabi ng pulisya sa Midnanao Examiner na patuloy kanina ang pagiimbestiga upang mabatid kung may “foul play” sa pagkakamatay ni Libradilla. Inimbitahan na rin ang mga kasama nito sa inuman upang makunan ng pahayag ukol sa naganap.

Ayon sa mga kasamahan ay uupo sana sa balkonahe ng building si Libradilla ng mawalan ito ng balance at nahulog. Basag ang bungo diumano ng lalaki. Hindi naman makapaniwala ang pamilya nito sa naganap at masiyahing tao umano si Libradilla. (Romy Bwaga)

No comments: