Tuesday, March 06, 2007

2 Magdalo Leaders, Nagkainitan

MANILA (Mindanao Examiner / 06 Mar) - SUMIKLAB ang tensyon sa pagitan ng dalawang lider ng Magdalo group sa pagdinig kaninang umaga sa Makati City.

Kasunod ito ng naging kahilingan ni Army First Lieutenant Lawrence San Juan sa hukuman na palitan ang kanyang plea charges at gawing guilty upang mapababa ang sentensya nito.

Narinig naman ito ni dating Navy Lieutenant Senior Grade Antonio Trillanes at pumalag sa hakbang ni San Juan. "Sana solohin mo na lang yan!" pahayag ni Trillanes.

Hindi nagustuhan ni Trillanes ang ginawang pag-amin ni San Juan na lalong makapagpapahamak sa iba pang junior officer na akusado sa kasong kudeta bunsod ng pakikisangkot sa Oakwood mutiny noong 2003.

Dakong alas-10:15 ng umaga nang mangyari ang tensyon matapos ang pagdinig sa sala ni Branch 148 Judge Oscar Pimentel. (Juley Reyes)

No comments: