Monday, March 12, 2007

Cell Site Ng Globe Telecom Binira Sa Camarines Sur

MANILA (Mindanao Examiner / 12 Mar) - Muling na namang sinabotahe ng mga hinihinalang miyembro ng New People's Army (NPA) ang isang pasilidad ng Globe Telecommunications sa bayan ng Pamplona sa Camarines Sur.

Nabatid kanina kay Army spokesman Major Ernesto Torres, Jr. na dakong alas-11:40 ng gabi ng Sabado nang umatake ang tinatayang 20 rebelde sa tower ng Globe sa Barangay Batang, sa naturang lalawigan.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang lawak ng pinsalang naidulot ng naturang panununog ng mga gerilya.

"It is believed that said atrocity was staged by the terrorist group against the said company for refusing to give extortion money," ai Torres.

Wala namang naiulat na sugatan o nasawi sa pagsalakay sapagkat agad na tumakas ang mga suspek pagkatapos ng isinagawang krimen.

Mula Enero hanggang Setyembre noong nakaraang taon, lumalabas sa rekord ng militar na 16 na pasilidad ng Globe na ang sinabotahe ng mga ito na umabot sa P14 milyong pinsala. (Juley Reyes)

No comments: