QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 28 Mar) – Desperado ngayon ang New People's Army (NPA) na makahikayat ng mga bagong miyembro, kahit menor de edad, upang magsilbing warrior ng kanilang kilusan.
Inihayag ito ng Philippine Army kasunod ng paglalantad sa mga child warrior sa isang pulong balitaan upang patunayan ang maliwanag na paglabag at pag-abuso ng komunistang grupo sa karapatan ng mga kabataan.
Pinakabatang nahihikayat ng NPA ay 10 hanggang 17 taon kung saan ay matindi pa ang pulso ng mga ito para sumabak sa giyera.Ibinunyag rin ng isang dating amasona na si Leah kung paano siya pinuwersa at ginamit ng husto bilang asawa ng mga komunistang lider.
Hindi lamang umano siya ang biktima ng pananakot ng mga komunista na kung hindi susunod sa mga rebelde ay sasaktan ang pamilya nito.
Nagsilbi ring liason si Leah na ibinuko ang regular na pakikipag-ugnayan sa legal fronts ng NPA tulad ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, Anakpawis, Gabriela, Anakbayan at Makabayan.
Sa rekord ng militar, nagawa nitong masagip, maaresto at mailigtas ang tinatayang 30 mga menor de edad buhat sa Luzon at Visayas mula Setyembre ng nakaraang taon hanggang Marso.
Inilahad naman ng isang Eslao ang matinding kaba na nararamdaman nito sa tuwing sumasabak sa giyera laban sa tropa ng pamahalaan.Ngunit kahit takot, walang pagpipilian ang mga katulad ni Eslao dahil sila rin naman ay sasaktan ng kanilang lider.
Sinabi rin ng militar na mahigit sa tatlumpung mga pampasabog at iba pang war materials ang narekober ng mga tropa sa inilunsad na operasyon sa Quezon.
Sa ulat ng Philippine Army ay natisod ng mga elemento ng 201st Infantry Brigade, 76th Infantry Battalion at Explosives and Ordnance Disposal Team ang naturang mga eksplosibo sa Barangay San Isidro Kanluran sa bayan ng Gumaca sa nasabing lalawigan.
Nauna rito, nasamsam rin ng mga tauhan ng militar ang dalawang M16 rifles, magazine at daan-daang bala ng M16 sa Ilayang Bolo, Unisan, Quezon. Bunsod ito ng impormasyon ng dating lider ng NPA na si Modesto Araza alyas Abel.Samantala, dalawang gerilya naman ang sumuko sa militar sa Kalinga.
Natukoy ang mga ito na sina Bryan Linang alyas Mayo, 21 anyos, at Aga-oy Marnag alyas Dennis, 19 anyos. Pawang mga miyembro ng Komiteng Lrangan Guerilya (KLG) Baggas, ICRC.Isinasailalim na sa interogasyon ang dalawang rebelde. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment