MANILA (Mindanao Examiner / 28 Mar) - Nagtatago umano sa Central Mindanao kasama ang Abu Sayyaf Group (ASG) ang isang terorista buhat sa Malaysia.
Inihayag ni Major General Ben Mohammad Dolorfino na namataan si Zulkifli bin Hir alias Marwan sa Maguindanao bagamat patuloy ang paggalaw ng mga ito sa lugar upang hindi masukol ng mga awtoridad.
"He (Marwan) is still in Central Mindanao along with Abu Sayyaf militants. But they are always mobile," ani Dolorfino sa Mindanao Examiner.
Gayunman, nilinaw ni Dolorfino na hindi ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang nagkakanlong sa naturang terorista o sa ASG.
"I don't think he is being protected by MILF rebels. If we will link him with the MILF, it will disrupt the ongoing peace process," dagdag ng heneral.
May patong na pabuyang $5 milyon ang Estados Unidos sa kung sino man ang makapagbibigay ng impormasyon para sa pagdakip kay Zulkifli.
Si Zulkifli ay isang inhinyero na nagsanay sa Washington at umano'y pinamumunuan ang Kumpulun Mujahidin Malaysia terrorist organization at miyembro ng Jemaah Islamiyah.
Ayon kay Dolorfino, noon pang Agosto 2003 nakapasok ng Mindanao ang naturang foreign terrorists at sinasabing nagsasagawa ng pagsasanay sa mga bandido.
Sinabi rin ng U.S. State Department na mismong si Secretary of State Condoleezza Rice ang siyang nag-authorized ng naturang bounty sa ulo ni Zulkifli.
Idinagdag na ng US si Zulkifli sa most-wanted list ng Rewards for Justice program.
"Zulkifli bin Hir is a Malaysian citizen born in 1966 in Muar, Johor. An engineer trained in the United States, he allegedly heads the Kumpulun Mujahidin Malaysia (KMM) terrorist organization and is a member of Jemaah Islamiyah's central command."
"He has been present in the Philippines since August 2003, where he is believed to have conducted bomb-making training for the Abu Sayyaf Group."
"His younger brother, Taufik bin Abdul Halim, a.k.a. Dany, was involved in the 2001 Jakarta Atrium Mall bombing, and currently is in detention in Indonesia,” ayon sa U.S. State Department. (Ulat nina Juley Reyes mula Maynila at Mark Navales sa Mindanao)
No comments:
Post a Comment