Thursday, March 22, 2007

Congressman Jovito Palparan, Bagay Ba?

MANILA (Mindanao Examiner / 22 Mar) - Matapos na hindi pa rin mabigyan ng puwesto ng Malakanyang, target ni retired Army Major General Jovito Palparan na kumandidato sa Kongreso bilang partylist representative.

Gayunman, ayaw ihayag ni Palparan kung anong grupo ang aaniban nito dahil patuloy ang negosasyong maihanay siya bilang isa sa tatlong unang nominado ng napiling party list.

Bagamat hindi pa aniya naisasapinal ang plano nito ngunit malaki rin ang kanyang hangarin na pumasok sa pulitika at ipagpatuloy ang giyera laban sa mga komunista.

"We're in negotiations. The nomination, if they want me to be their number one nominee," dagdag ni Palparan.

Itinanggi rin ng dating heneral na kakandidato ito sa ilalim ng Alliance for Nationalism and Democracy (ANAD) party-list, na kilalang grupong kumukondena sa komunista.

Samantala, inaasahan na rin ni Palparan na maabswelto ito sa imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) dahil wala namang mapipiga ang ahensya sa kanya hinggil sa pagkakadawit sa extrajudicial killings.

"I still want that thee alleged extra-judicial killings be resolved so it will vindicate a number of people including the government," ayon pa kay Palparan. (Juley Reyes)

1 comment:

Anonymous said...

It is better to be a businessman than politician for anyone. As a businessman, anyone can help more to the community. Best of all, the businessman have a better lifestyle than politician. After you reap profits, you can always do philathropy like Bill Gates, and Warren Buffet. You can be the kindest, most generous, best politician or president of the universe, but if the country or government do not have money. It is pointless.