MANILA (Mindanao Examiner / 02 Mar) - ITINUMBA ng mga nakamotorsiklong suspek ang isang dating miyembro ng New People's Army sa Bataan kaninang madaling araw.
Sa ulat na ibingay sa Mindanao Examiner mula sa Kampo Aguinaldo ay lumabas na mismong sa loob ng tahanan ng sumukong amasona na si Feliza Laxamana alyas Ka Linda sa Poblacion, Morong, Bataan, pinagbabaril ito ng mga hindi nakilalang salarin. Agad na ikinasawi ng biktima ang tama ng bala ng baril sa ulo.
Ayon sa ulat ay dalawang armado ang dumating sa bahay ni Ka Linda at pumasok ang isa sa mga ito para isakatuparan ang paglikida habang nagsilbing look-out naman ang isa pa.
Kasabay nito, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Public Information Office Chief Lieutenant Colonel Bartolome Bacarro na hindi maibibintang sa militar ang naturang krimen.
Isa na aniyang rebel returnee buhat sa Southern Tagalog si Ka Linda na tinutulungan ng gobyerno sa pagbabagong-buhay at walang magtatangka sa buhay nito kundi ang kapwa mga dating komunista.
Binanggit ni Bacarro na ang insidente ay bahagi ng serye ng pagpaslang ng Communist Party of the Philippines-New People's Army sa mga bumaligtad o pinagdududahang espiya ng militar na mga miyembrong gerilya. (Juley Reyes)
1 comment:
We need more protection to any returnees to the fold of the society.
Post a Comment