Saturday, March 03, 2007

Dengue Fever Kumitil Ng 2 Buhay Sa Surigao

SURIGAO DEL SUR (Mindanao Examiner / 03 Mar) – Dalawang katao ang kumpirmadong patay sa dengue at mahigit sa tatlong dosena naman ang sinasabing tinamaan ng sakit sa apat na bayan sa Surigao del Sur.

Ilang ulit na rin umapela ang Department of Health sa publiko na panatilihing malinis ang kanilang kapaligiran dahil sa mga matubig na lugar nagiitlog ang mga lamok na siyang sanhi ng dengue fever.

Sa ulat na ipinasa sa Mindanao Examiner ay nabatid mula sa Surigao del Sur Provincial Health Office na naitala ang dengue sa Tandag, Cantilan, Madrid at Tago simula pa nitong taon.

Nanawagan naman ang maraming residente sa pamahalaang panlalawigan na dagdagan at dalasan ang fogging operation sa mga tinamaan ng dengue. (Romy Bwaga)

No comments: