Saturday, March 03, 2007

Nagpanggap Na Dentista, Timbog sa Mindanao

TAGUM CITY (Mindanao Examiner / 03 Mar ) - INARESTO ng awtoridad ang tatlong katao na umano’y nagpanggap bilang mga dentista sa lungsod ng Tagum matapos na makatanggap ng reklamo ukol sa kanilang panloloko.

Sinabi sa ng pulisya sa pahayagang Mindanao Examiner na nadakip kamakalawa ang tatlo na nakilalang sina Fernando Sarmiento, 55, Freddie Abriguso, 40 at Nilo Jurado, 34.
Nabawi dumano ng mga parak mula sa tatlong lalaki ang ibat-ibang gamit sa kanilang operasyon, kabilang ang ilang mga pares ng pustiso.

Wala umanong lisensya ang tatlo kung kaya’t dinakip. Sasampahan rin ng kaso ng mga awtoridad ang mga lalaki kaugnay sa kanilang pagpapanggap. Hindi naman agad nakunan ng pahayag ang mga akusado.

Uso sa mga lalawigan at ibang bahagi ng bansa ang ganitong uri ng gawain dahil sa murang singil at kakulangan na rin ng impormasyon ng publiko na ito’y mahigpit na ipinagbabawal.
(Romy Bwaga)

No comments: