Wednesday, March 14, 2007

Girl Power Sa PMA Ngayong Taon!

MANILA (Mindanao Examiner / 14 Mar) - Isa na namang babae ang nanguna sa mga kadeteng magtatapos sa Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City ngayong taon.

Si Cadet Andrelee Mojica ang valedictorian mula sa kabuuang 282 kadete na magtatapos sa Marso 19. Ikatlo na si Mojica sa mga babaeng naungusan ang mga kalalakihang kadete sa pagsasanay at pag-aaral sa akademya ng militar.

Kauna-unahang rin naging valedictoria si Ensign Arlene dela Cruz (Class 1999) at si 2nd Lt. Tara Velasco (Class 2003). Umaabot naman sa 23 babaeng kadete ang magtatapos ngayong buwan kungsaan ay aabot na sa 148 ang nakapasa sa PMA bilang opisyal sa loob ng 10 taon.

Tatanggap rin si Mojica ng Presidential Saber at PGMA Achievement Award for Excellence mula kay Pangulong Gloria Arroyo. Sa Philippine Navy magsisilbi si Mojica.

Pumangalawa sa kanya si Cadet Jonelie Diego Beltran, cum laude; at pangatlo si Cadet Arnold Santos Enriquez, cum laude. (Juley Reyes)

No comments: