MANILA (Mindanao Examiner / 31 Mar) – Makukumpleto na rin sa wakas ang ang paghigop ng mga nalalabing langis na tumagas buhat sa Solar I tanker sa Guimaras island sa loob ng susunod na Linggo.
Ito ang kinumpirma sa Mindanao Examiner ni Office of Civil Defense administrator retired General Glen Rabonza. Una nang pinasimulan noong Enero ang oil recovery operations dahil na rin sa inaasahang magandang panahon para mabilis na maisakatuparan ito.
Ayon kay Rabonza, kasunod ng paglinis ng mga langis, pasisimulan naman ang rehabilitasyon ng mga apektadong lugar sa isla.
Sa mga nakalipas na araw, kaunting langis na lamang ang nakukuha ng Allied Shield ng Italya na nangangahulugan na malapit na ring tuluyang maubos ang oil spill.
Gumastos na rin ng multi-milyong piso ang International Oil Pollution Compensation Funds (IOPC) para sa siphoning ng oil spill sa naturang lalawigan. (Juley Reyes)
1 comment:
Great. I'm worried about the effect of the oil on the environment.
Post a Comment