Sunday, March 18, 2007

Mindanao, Natigang Sa El Nino

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / 18 Mar) – Patuloy na sinisira ng El Nino weather phenomenon ang maraming mga taniman ng palay sa Mindanao dahil sa matindi tag-tuyot.

Sa Zamboanga City ay halos ilang lingo ng nagtitiis ang mga mamamayan sa rasyon ng tubig mula sa Zamboanga City Water District. Malaking bahagi ng lungsod ang walang tubig sa kanilang gripo at sa gabi ay halos 4 na oras lamang ang supply nito.

Unti-unti na rin natutuyo ang mga creek at patubig sa palayan. Malaking problema sa maraming magsasaka na ang kabuhayan ay nakatuon sa pananim.

Sa South Cotabato at ibang bahagi ng Midnanao ay ito rin ang pangunahin problema sa ngayon. At inaasahang lalala pa ang sitwasyon dahil sa pagpasok ng summer.

Sa Zamboanga del Sur ay halos pagpistahan naman ng mga residente ang kakapiranggot na pag-ulan at halos tuyo na rin ang mga balon at poso na siyang kinukunan ng tubig.

Umapela naman ang mga awtoridad sa publiko na magtipid sa tubig. (Mindanao Examiner)

1 comment:

Anonymous said...

Hope rain comes for the farmers. Maybe, it is global warming. We really need to start to conserve more.