MNLF chieftain Nur Misuari. (Mindanao Examiner Photo)
SULU – Posibleng madiskaril ang balak ni jailed Moro National Liberation Front (MNLF) chairman Nur Misuari sa anunsyo nitong pagtakbo bilang gobernador sa lalawigan ng Sulu sa darating na halalan.
Nais kasi ng maraming miyembro nito na asikasuhin na lamang ni Misuari ang kapakakanan ng MNLF upang maisaayos ang gusot sa September 1996 peace agreement.
Hindi agad makunan ng pahayag si Misuari na tatakbo bilang independent candidate, ngunit ilang eleksyon na rin ang sinalihan nito sa Sulu at ilang ulit rin nilampaso ng mga katungali.

Malabo pa rin kung may magdadalang partido kay Misuari at tiyak na walang suportang makukuha ito sa pamahalaan na kanyang inakusahan dahil sa hindi pagsunod sa alituntunin ng peace accord. Maging ang oposisyon ay dumidistansya rin kay Misuari.
Naunang inihayag ng pamahalaan na wala itong kinalaman sa plano ni Misuari na muling sumabak sa pulitika matapos na magparehistro nuong nakaraang buwan sa Commission on Elections (COMELEC) sa Sulu.Sinabi ni Secy. Jesus Dureza, ang Presidential peace adviser, na siyang tumulong upang makapagparehistro si Misuari sa Sulu na walang kinalaman ang pamahalaang Arroyo sa anumang plano ng dating rebelde.
"We are not privy to or involved in Chairman Misuari’s future political plans. Our participation was only to uphold and ensure the exercise of his right to suffrage,” ani Dureza.
Under house arrest ngayon si Misuari sa Maynila dahil sa kasong rebelyon matapos na umano’y maglunsad ng atake ang mga tauhan nito nuong 2001 sa Sulu upang pigilin ang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) na kung saan ay gobernador ito. Nabigo rin si Misuari noon bilang gobernador na iahaon sa kahirapan ang maraming Muslim sa ARMM.
Ang kasugustuhan ng MNLF ngayon ay matugunan ang problema ng organisasyon at mapagtibay muli ang peace agreement. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment