Monday, March 05, 2007

NPA Hostage Pinakawalan Na!

DAVAO CITY (Mindanao Examiner / 05 Mar) – Pinalaya na rin ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang isang babae na kanilang tinangay upang gamiting pananggalang sa mga tumutugis na tropa ng militar sa distrito ng Toril sa Davao City.

Dinukot si Maryrose Degamon, 19, nuong nakaraang linggo sa Barangay Tagurano habang papatakas ang mga rebelde.

Napawi naman ang dalamhati ng ina nitong si Rosalinda Degamon ng makabalik ng buhay ang anak. Hindi naman nagbigay ng karagdagang pahayag ang pamilya ng biktima.

Sinabi ng pulisya na tinutukan umano ng baril ng ang rebelde ang mag-ina at saka sapilitang tinangay ang babae.

Naunang umapela ang ina sa NPA na palayaain ang kanyang anak. Kilalang baluarte ng NPA ang ilang liblib na barangay sa Davao City. (Romy Bwaga)

No comments: