Sunday, March 11, 2007

Nur Misuari Inilaglag Ng MNLF Sa Sulu

SULU (Mindanao Examiner / 11 Mar) – Posibleng madiskaril ang balak ni jailed Moro National Liberation Front chieftain Nur Misuari sa anunsyo nitong pagtakbo bilang gobernador sa lalawigan ng Sulu.

Ito’y matapos na dumistansya kay Misuari ang maraming mga miyembro ng MNLF at tagasunod nito at sa halip ay kumampi sa isa pang lider na si Yusop Jikiri. Naging gobernador ng Sulu si Jikiri at ngayon ay tatatkbo bilang Congressman sa ilalim ng KAMPI ni Pangulong Arroyo.

Bagsak ang suporta ni Misuari sa Sulu dahil si dating Gov. Sakur Tan ang siyang running mate ni Jikiri sa pagka-gobernador. Matindi ang line-up ng KAMPI sa Sulu at bitbit rin nina Jikiri at Tan si Sulu 1st District Rep. Hussin Amin na sasabak sa pagka-alkalde ng Jolo.

Hindi agad makunan ng pahayag si Misuari na tatakbo bilang independent candidate, ngunit ilang eleksyon na rin ang sinalihan nito sa Sulu at ilang ulit rin nilampaso ng mga katungali.

Sumanib na rin sa grupo nina Jikiri, Tan at Amin ang partidong LAKAS at Partido Demokrasya at Sosyalista ng Pilipinas sa ilalim ni dating security adviser ni Pangulong Arroyo na si Secy. Norberto Gonzalez.
(Mindanao Examiner)

No comments: