QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 27 Mar) – Inilunsad ng Department of National Defense ang kampanya nito sa pamamagitan ng text messaging service (SMS) upang maipabatid sa ahensya ang mga reklamo at problema ng publiko.
Tulad ng text campaign ng Philippine National Police at iba pang sangay ng pamahalaan, gagamitin ng Defense department ang TXT 2920.
Partikular na tinatarget na makalap ng ahensya sa pagbubukas nito ng komunikasyon sa taumbayan ay ang mga problema sa panloob at panlabas na banta sa seguridad, gayundin ang mga sumbong ng katiwalian sa hanay ng militar.
Naniniwala si Secretary Hermogenes Ebdane, Jr. na sa pamamagitan ng naturang hakbang ay makakatulong ang mga impormasyon buhat sa mga mamamayan upang mapalakas ang kampanya kontra insureksyon at terorismo.
"It is a direct line for the Human Rights Security Act to be more vibrant and interactive, with an open avenue for reports from all over the country," ani Ebdane.
Gayunman, dadaan pa rin naman aniya sa masusing beripikasyon ang mgamensaheng matatanggap ng kanilang tanggapan. "Yung mga tsismis, we know how to deal with it," wika pa ni Ebdane.
Samantala, sinabi ni Ebdane na hindi na nito kakailangan ang karagdagang pondo para sa operation ng DND text 2920. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment