MANILA (Mindanao Examiner / 05 Mar) - WALANG balak ang liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na alisin ang mga sundalong nakakalat sa Metro Manila bagamat inuulan na ito ng mga reklamo buhat sa mga umaalmang militanteng grupo.
Sinabi kanina ni Major General Jose Angel Honrado, tagapagsalita ng AFP, na hanggat walang direktiba buhat kay AFP Chief of Staff General Hermogenes Esperon, Jr. na iatras ang tropa ng mga sundalo nito, magpapatuloy ang civil military operations ng National Capital Region Command.
Naninindigan si Honrado na walang kinalaman na eleksyon ang deployment ng mga sundalo kundi bahagi ito ng mandatong tungkulin ng militar.
"The deployment will stay. As of now, there is no order for a pullout," diin ni Honrado."It [deployment] is not election related," dagdag nito.
Inamin ni Honrado na natanggap na ng AFP ang pormal na komunikasyon buhat sa Commission on elections (Comelec) upang magkomento sa deployment.
Sinabi naman ni NCR Command Chief Major General Benjamin Dolorfino na may kinalaman rin sa counter insurgency operation at pagpapanatili ng peace and order situation sa mga komunidad ang isinasagawa nito.
"Yes the operations of the Armed Forces are indirectly related to counter-insurgency because we are trying to help solve peace and order problems so the people will not go to streets or think of fighting the government," ani Dolorfino.
"I think nothing is wrong that we have civil-military operations program and this is promoting good relations between military and civilians," dagdag ni Dolorfino. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment