Monday, May 07, 2007

Kaso Ng Dinukot Na Aktibista, Lumalalim!

QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 07 May) - Natunton sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang sasakyang ginamit diumano sa pagdukot sa aktibistang si Jonas Joseph Burgos, anak ng namayapang Malaya newspaper publisher and press freedom advocate na si Jose Burgos.

Sinabi ni Criminal Investigation and Detection Group-NCR Chief Senior Superintendent Joel Napoleon Coronel na ang nakarehistrong may-ari ng sasakyang may plakang TAB 194, na naka-impound sa DENR ang naturang utility vehicle, ay natunton sa isang Mauro Mudlong.

Ngunit nuong Hunyo 24 ng nakaraang taon pa aniya ito na-impound ng DENR dahil sa paniniwalang ginagamit sa illegal logging operations.

Una nang nagpadala ng grupo ng mga imbestigasyon sa bayan ng Norzagaray sa lalawigan ng Bulacan upang makapanayam ang may-ari ng sasakyang tumugma sa deskripsyon ng ginamit sa pagtangay sa batang Burgos.

Se beripikasyon sa Land Transportation office, natukoy ang sasakyan na 1991 model ng Isuzu utility at pagmamay-ari nga ni Mudlong.

Ngunit, ayon sa mga saksi, isang Toyota Revo ang ginamit nang dukutin si Burgos sa Quezon City. (Juley Reyes)

No comments: