Monday, May 07, 2007

Paglabag Sa Gunban, Lumulobo!

MANILA (Mindanao Examiner / 07 May) – Umakyat na sa mahigit 2,000 katao ang naaresto sa buong bansa ng Philippine National Police (PNP) bunsod ng paglabag sa umiiral na gunban ng Commission on Elections (Comelec).

Sa rekord ng pulisya, tinatayang 719 indibidwal ang kinasuhan habang mahigit 1,000 ang kasalukuyan pang iniimbestigahan. Umaabot naman sa 1, 679 ang mga nakumpiskang ilegal na armas mula noong Enero kung saan ay pinakamarami o 329 ay buhat sa Calabarzon, 269 sa National Capital Region at 130 sa Western Visayas.

Kabilang sa mga nasamsam ay 59 na granada, 53 improvised explosives at 281 bladed weapons bilang bahagi ng Oplan Panlalansag ng pambansang pulisya.

May 125 insidente ng karahasan ang naitala sa pagsisimula ng campaign period at 36 rito ang kumpirmadong may kinalaman sa eleksyon. (Juley Reyes)

No comments: