Friday, June 08, 2007

AFP Hahalungkatin Ang Suporta Ng Kaliwa Sa Failed Coup Leader

QUEZON CITY (Mindanao Examiner / 08 Jun) – Uungkatin umano ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang sinasabing suporta ng mga kaliwa at komunistang grupo sa napipintong pagkapanalo ni dating Navy Lieutenant Seniorgrade Antonio Trillanes sa pagkasenador.

Sinabi ngayon ni AFP Chief of Staff General Hermogenes Esperon, Jr. na kung inaangkin ng mga maka-kaliwa na sila ang responsable sa malaking hakot ng boto para kay Trillanes, mapatutunayan lamang nito ang mga naunang alegasyon ng ugnayan ng grupong Magdalo sa mga komunista.

"We are studying that, if they are claiming that they are responsible for his victory, well they must be good in their strategies but at the same time, that is something to look at, if somebody won by, because of the efforts of the left," ani Esperon sa pahayagang Mindanao Examiner.

Hindi naman agad makunan ng pahayag si Trillanes ukol sa balak ng militar, ngunit posibleng manalo ito bilang senador.

Kasabay nito, hindi naman natitinag si Esperon kung angkinin ng Magdalo group ang kanilang panalo sa pakikibaka laban sa gobyerno nang makuha ang boto ng maraming pinoy.

"Well they can call that victory because he (Trillanes) called himself Magdalo but as I said, as of this time everything could be speculative because no proclamation has been made, so lets just wait for that," dagdag ni Esperon.

Muli namang hinamon ni Esperon si Trillanes na ilabas ang ebidensya nito sa alegasyong inutusan niya ang lahat ng mga sundalo sa pamamagitan ng radio message upang dayain ang eleksyon at ipanalo ang Team Unity senatorial candidates.

"I have challenged them to come out with the evidence, with the radio message that they were saying that I sent out, until now they have not come out with it simply because they cannot come out with it, its not true," diin ng heneral. (Juley Reyes)

No comments: