Sunday, June 10, 2007

Dulmatin, Posibleng Nasa Sulu Pa Rin!

SULU (Mindanao Examiner / 10 Jun) – Posibleng nasa Sulu pa rin ang Jemaah Islamiya bomber na si Dulmatin, bagamat sa lalawigan ng Tawi-Tawi nabawi ang apat na anak nito.

Inaalam pa rin ng militar ang balitang nagbabalak na tumakas si Dulmatin sa Sabah o Indonesia ngunit hindi pa rin mabatid ng mga awtoridad kung ilan ang bilang ng mga Jemaah Islamiya sa Sulu o Tawi-Tawi.

Naunang sinabi ni Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Eugenio Cedo na may ulat ang militar na posibleng nasa Tawi-Tawi na si Dulmatin dahil doon nabawi ang mga anak nito nuong Mayo.

Ngunit ayon sa ibang mga opisyal ay maaraing nasa kabundukan pa ng Sulu si Dulmatin dahil ang Tawi-Tawi ay hindi tradisyonal na lungga ng Abu Sayyaf. Hindi rin gaano kalaki ang mga supporters ng Abu Sayyaf sa Tawi-Tawi.

Ngunit inamin ng mga ilang intelligence officials na madaling makatakas sa Sulu patungong Sabah dahil sa lawak ng karagatan na hindi naman nababantayan ng husto ng Philippine Navy at Philippine Air Force.

Hirap rin umanong tugisin si Dulmatin at ibang mga Indoenesian at Malaysian Jemaah Islamiya bombers dahil sa mukhang mga Pinoy ito. (Mindanao Examiner)

No comments: