GENERAL SANTOS CITY (Mindanao Examiner / 10 Jun) – Inanunsyo ng pamahalaang lokal na magkakabit ito ng mga surveillance cameras sa ibat-ibang lugar upang magsilbing tulong sa mga awtoridad sa kampanya kontra terorismo.
Mismong si Mayor Pedro Acharon ang naglabas ng balita sa isang pulong City Peace and Order Council kamakalawa at pinanigan naman ito ng pulisya.
Ngunit ayon sa ibang tutol sa malaking gastusin ay hindi umano sapat ang video camera sa pakikiba sa terorismo at kailangan umano ay karagdagang puwersa ng pulisya at barangay tanod upang mabigyan ng protekyon ang publiko sa pambobomba.
Madali rin umanong mag-assemble ng bomba sa loob mismo ng lungsod at kahit isang tao ay kayang pasabugin ang anumang target kung kaya’t malabong makatulong ang video surveillance.
Sinabi ni Acharon na madaling malalaman ang mga sasakyan at sinuman na magdaraan sa harapan ng mga video surveillance sa entry at exit points ng lungsod dahil recorded umano lahat ng makikita sa camera.
Hindi naman sinabi ni Acharon kung magkano ang halaga ng proyekto. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment