Sunday, June 10, 2007

Sa Speakership, Gapangan Sa Kongreso Ang Labanan!

CEBU (Mindanao Examiner / 10 Jun) – Gapangan ang labanan ng mga pulitiko sa Cebu at maging mga congressmen sa ambisyon ni Cebu 2nd District Rep. Pablo Garcia na maupo bilang Speaker of the House.

Nais ni Garcia na patalsikin si Rep. Jose De Venecia, subali;t kulang naman ang suporta nito mula sa mga ibang mambabatas at maging sa sariling lugar ay hati ang suporta sa kanya ng mga pulitiko.

Malakas naman ang suporta ni De Venecia sa mga kasamahan at maging si Interior Secy. Ronaldo Puno ay nasa panig na rin nito. Hindi naman agad mabatid kung ano ang nagtulak kay Garcia na pagnasaan ang posisyon ng Speaker.

Matatandaang sa Cebu nagwagi ng husto si Pangulong Gloria Arroyo nuong 2004 presidential elections. Si Garcia ang sinasabing nasa likod ng malaking botong nakuha ni Arroyo.

Subali’t ang naging isyu kay De Venecia ng kaalyado ni Garcia na si Rep. Luis Villafuerte ay ang kawalan ng mga konkretong nagawa. Pinasinungalingan naman ito ni De Venecua. (Mindanao Examiner)

No comments: