NEGROS (Mindanao Examiner / 10 Jun) – Patay ang isang konsehal ng lungsod ng Escalente matapos na ito’y tambangan ng mga di-kilalang armado sa harapan mismo ng isang pagamutan.
Sinabi ng pulisya na tinadtad ng bala si Romeo Agaton na kilalang masugid na supporter ni Mayor Santiago Barcelona. Dating rebelde ng New People’s Army si Agaton at ang pulitiko rin ang tumulong ditto na makapagbagong buhay.
Hindi naman mabatid ang motibo ng pagpatay na naganap kamakalawa, ngunit sinabi ng guwardiya ng Vicente F. Gustilo Memorial Hospital sa pulisya na walong lalaki umano ang tumambang sa biktima at katunayan ay maging siya ang pinagbantaan rin ng magtangka itong tumulong kay Agaton.
Tinangay rin ng mga armado ang shotgun ng guwardiya, ayon pa sa pulisya.
Inihatid lamang ni Agaton ang kanyang asawa sa pagamutan na kung saan ito nagtatrabaho ng maganap ang atake. Dalawang angulo ang sinisipat ng pulisya sa pagpatay at posibleng sabit ang NPA o mga kalaban sa pulitika ni Agaton sa krimen.
Hindi naman agad makuna ng pahayag ang maybahay ni Agaton ukol sa pagpatay. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment