SULU (Mindanao Examiner / 07 Jun) - Humingi ng paumanhin ngayon sa Commission on Human Rights (CHR) ang pinuno ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa naging pagliban nito sa dalawang pagdinig ng ahensya hinggil sa pagkawala ng aktibistang si Jonas Burgos.
Sa isang liham sa CHR ay nagpakumbaba naman ang opisyal at sinabi pa ni ISAFP Chief Major General Delfin Bangit na nakahanda naman itong tumestigo sa mga susunod pang pagdinig ng CHR.
"Today, I wrote the Commission apologizing for my absence," ani Bangit sa pahayagang Mindanao Examiner.
Idinagdag pa ni Bangit na inimbitahan nito ang ina ni Burgos na si Editha upang pag-usapan ang kaso. Ang militar ang pangunahing pinagdududahang responsable sa pagdukot sa batang Burgos noong Abril sa Quezon City.
Ito'y bunsod na rin ng pagkakadiskubre ng nawawalang plaka ng sasakyang nakatambak sa kampo ng Philippine Army sa Norzagaray, Bulacan at sinasabing nagamit sa getaway vehicle kay Burgos. (Juley Reyes)
No comments:
Post a Comment