Ang mala-paraisong beaches sa lalawigan ng Sulu ay maihahalintulad sa Boracay o mga resorts sa Phuket sa Thailand. Tatlong malalaking proyekto ang ilulunsad ng Estados Unidos sa lalawigan na patuloy sa pagunlad. (Mindanao Examiner Photo Service)
SULU (Mindanao Examiner / 23 Sept) – Tatlong malalaking proyekto ng Estados Unidos ang ilulunsad ngayon sa Sulu bilang pagtugon at suporta sa patuloy na pag-unlad at katahimikan sa lalawigan.
Kabilang sa mga proyekto ay ibat-ibang infrastructure projects, patubig at kuryente. Inaasahang dadaluhan ng matatas na opisyal ng embahada ng Estados Unidos at maging sa embahada ng Britanya.
Isang opisyal ng Alliance for Mindanao Off-Grid Renewable Energy (AMORE) ang nagsabi sa Mindanao Examiner na ang proyekto ay bahagi ng pagtugon ng Estados Unidos, partikular ang United States Agency for Internatinal Development (USAID), sa katahimkan at pag-unlad ng Sulu.
Maganda umano ngayon ang kasiguruhan at pangangalakal sa Sulu kung ihahambing sa mga nakalipas na taon, kung kaya’t nabiyayaan ang lalawigan ng malalakign proyekto.
Natuwa naman si Gov. Sakur Tan at sinabi nito na ang patuloy na pagunlad ng Sulu ay sa kadahilanan ng pakikipagtulungan ng mga ahensya ng pamahalaan at mga bayan dito, gayun rin ang suporta ng mga business groups sa lalawigan at mga nongovernmental organizations at mamamayan at mga Ulama.
“Marami ang nagtatrabaho ngayon para sa ikauunlad ng Sulu at nais naming ipakita sa buong bansa at buong mundo na sa pagkakaisa ay may bagong pag-asa,” ani Tan sa hiwalay na panayam.
Ang USAID ang siyang nasa likod ng AMORE – ito’y 7 taon na proyekto sa pakikipagtulungan sa pamahalaan at Department of Energy sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment