COTABATO CITY (Mindanao Examiner / Oct. 30, 2007) – Patay ang isang Barangay captain matapos itong pagbabarilin ng di-kilalang salarin ilang oras ng siya'y tanghaling panalo sa Barangay elections sa lalawigan ng Shariff Kabunsuan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Sinabi ng pulisya na hindi na umabot ng ospital si Samsudin Lumbos dahil sa tinamong balas a katawan matapos itong barilin sa Barangay Balut.
Patuloy naman ang imbestigasyon sa pagkakapaslang kay Lumbos, ayon sa pulisya. Umabot na umano sa 9 ang nasawi sa Barangay at SK polls sa naturang rehiyon.
Ngunit sa kabila nito ay sinabi ng pulisya at militar na mapayapa ang Barangay at Sanguniang Kabataan elections nuong Lunes.
Mahigit sa isang milyong kandidato ang tumakbo para sa 600,000 puwesto sa buong bansa. Huling ginanaop ang elections nuong 2002 matapos na mabalam ng ilang ulit dahil sa kakulangan ng pondo. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment