DAVAO CITY (Mindanao Examiner / Mar. 23, 2008) – Apat na katao umano ang nasawi, kabilang ang isang sanggol, at halos isang dosenang iba pa ang nasaktan o sugatan matapos na magkaroon ng landslide sa lalawigan ng Davao del Sur.
Sanhi umano ng malakas na ulan at pagbaha sa mga nakalipas na araw ang naging dahilan sa pagguho ng mga bitak ng lupa sa bayan ng Santa Maria. Hindi naman agad mabatid kung gaano karaming pamilya ang apektado ng pagbaha at landslide.
Unang nagbabala ang mga awtoridad na mag-ingat sa baha o landslide ang mga naninirahan sa mga gulod at tabing-ilog dahil sa patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan.
Bagamat walang bagyo sa Mindanao ay bahagi umano ng tail-end ng isang cold front ang sanhi ng pagulan.
Nuong nakaraang lingo ay unang binaha ang lalawigan ng Maguindanao at maraming lugar doon ang lubog sa tubig. Madalas bahain ang maraming lalawigan sa central Mindanao sa tuwing malakas ang ulan. (Mindanao Examiner)
No comments:
Post a Comment