DAVAO CITY (Mindanao Examiner / September 7, 2008) – Marami ang hinihinalang nasawi sa bayan ng Maco sa Compostela Valley na kung saan ay nalibing sa landslide ang mga kabahayan dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan sa Mindanao.
Sa inisyal ng ulat ng militar ay walong bangkay na ang nakuha mula pa nuong Sabado at mahigit sa isang dosenang iba ang nailigtas mula sa mga bitak-bitak na lupa at putik.
Ngunit marami pa ang inulat na nawawala at hindi mabatid kung sila’y nakaligtas o nalibing rin ng buhay. Tinatatayang mahigit sa dalawang dosenang bahay ang nabaon sa lupa ng gumuho ang malaking bahagi ng kabundukan sa nasabing bayan.
Mahigit sa 100 mga residente na ang nagsilikas sa takot na gumuho pa ang mga lupa sa Maco. Dikit-dikit ang mga kabahayan sa nasabing bayan dahil sa isa ito sa sinabing “gold rush area” sa lalawigan.
Karamihan sa mga nasa Maco ay mga minero at ilang ulit na rin silang sinabihan ng mga awtoridad na lumikas sa lugar dahil sa nakaambang panganib ng landslide.
Ilang ulit na rin nagkaroon ng landlside sa lalawigan, ngunit mas matindi ang tawag ng salapi na makukuhan sa mga minahan kaysa kaligtasan ng marami. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment