COTABATO CITY, Philippines (Mindanao Examiner / June 25, 2009) – Mariing itinanggi ngayon ng militar na may kinalaman ito sa pagsabog ng mortar na ikinasawi ng isang sibilyan at pagkasugat ng isa pa sa lalawigan ng Maguindanao.
Ibinato naman ni Colonel Jonathan Ponce, tagapagsalita ng 6th Infantry Division, ang bintang sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang sala at sinabing mga rebelde ang nasa likod ng atake upang siraan ang militar dahil sa umano’y paparating na fact-finding mission ng mga media mula sa Maynila.
“The mortar round came from the rogue MILF (members) as preparation for the upcoming fact-finding mission of the invited Manila-based journalists to put the blame on the military in order to destroy its image and credibility,” pahayag pa ni Ponce.
Naunang inulat ng ABS-CBN na napatay sa pagsabog ng mortar si Guiarria Enoc ng Barangay Binangga sa bayan ng Guindulungan. Naganap umano ang pagsabog nuong Miyerkoles ng gabi ng tamaan ng mortar mula sa army ang bahay nito, ayon sa kapatid na si Vanesaa Enoc.
Isa pang mortar ang sumabog halos apat na metro lamang ang layo sa naturang bahay.
"Sinasabi nila na calculated nila ang pagapaputok ng mortar. Hindi na kami naniniwala," ani Vanessa sa panayam ng ABS-CBN news team. "Kaya kami tumira dito kasi alam naming ligtas kami dito. Walang rebels dito sa aming barangay."
Isinumbong rin ni Vanessa ang pagumit ng militar sa mga inosenteng sibilyan sa operasyon nito laban sa MILF.
Inulat naman ng ABS-CBN na hindi pinayagan ng mga sundalo ang kanilang team na magtungo sa ibang mga barangay sa nasabing bayan matapos na makarining ng malalakas ng pagsabog mula sa air strikes ng mga eroplano ng Philippine Air Force.
Pinigil umano ng 46th Infantry Battalion ang news team dahil diumano sa siguridad sa lugar.
Ilang beses na rin inakusahan ng MILF ang militar ng pambobomba sa mga lugar ng sibilyan at sa pagsunog ng maraming kabahay ng mga Muslim sa Maguindanao.
Itinanggi rin ito ni Ponce at sinabing ng sumabog ang mortar na ikinamatay ng sibilyan ay pinaulanan naman ng mga rebelde ang kampo ng 64th Infantry Battalion sa Barangay Kabingi sa Datu Saudi Ampatuan. Wala naman inulat an sugatan o nasawi sa atake.
“At the same night, at about 242230, the battalion headquarters of 64 IB …was subjected by enemy mortar fires and 8 rounds coming from 81mm mortar exploded in the camp perimeter with negative casualty and damage of property on the government side.”
“The mortar round that exploded in the village of Binangga was deliberately done by the rogue MILF. An NGO (nongovernmental organization) identified with the MILF invited media from Manila paying all expenses and pocket money,” ani Ponce.
Hindi naman pinangalanan ni Ponce ang NGO, subalit ibat-ibang grupo ng mga media organizations ang nakatakdang magtungo sa Maguindanao upang siyasatin ang sitwasyon ng mga war affected communities sa lalawigan mula Hunyo 29-Hulyo 2.
Ang nasabing aktibidad ay binuo ng mga kilalang organisasyon tulad ng Maguindanao ComStrat and Policy Alternatives, ang MindaNews, Center for Community Journalism and Development, National Union of Journalist in the Philippines, Peace and Conflict Journalism Network, at ng Institute of War and Peace Reporting.
Tinatayang aabot sa mahigit 6,200 pamilya o halos 31,000 evacuees ang nasa bayan ng Datu Piang sa Maguindanao dahil sa kaguluhan at may inulat ng 95 sibilyan ang nasawi, kabilang ang 40 mga bata.
“The world's largest new displacement last year happened when 600,000 people fled fighting between the Army and rebel groups in the southern region of Maguindanao,” ayon naman sa ulat ng Oslo-based Norwegian Refugee Council.
Talamak rin ang human rights violation at maging mga food aid sa refugees ay hinaharang rin sa Maguindanao. At hindi pinapayagan ng militar ang mga NGOs na magtungo sa mga lugar na kung saan ay may mga refugee shelters sa di-pa malinaw na kadahilanan. (Mindanao Examiner)
Thursday, June 25, 2009
Mortar attack sa Maguindanao, ibinintang ng Army sa mga rebelde; NGO iniugnay sa MILF
Labels:
Lt. Col. Jonathan Ponce,
Maguindanao,
MILF,
Mortar
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment