ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / September 27, 2009) – Pansamantalang natigil ang labanan sa pagitan ng militar at Abu Sayyaf sa lalawigan ng Sulu na kung saan ay 8 sundalo ang nasawi sa matinding sagupaan.
Bagamat natigil ang kaguluhan ay patuloy naman diumano ang intelligence operations ng militar sa tulong na rin ng mga sundalong Kano na naka-deploy sa Sulu mula pa nuong 2006. Tumutulong ang mga Kano sa paghahanap sa Abu Sayyaf.
“Our operation is going on,” ani Major Ramon David Hontiveros, spokesman ng Western Mindanao Command. Hindi naman ito nagbigay ng detalye ukol sa operasyon ng militar.
Huling inulat ng Western Mindanao Command na 34 mga Abu Sayyaf ang nasawi sa labanan nuong nakaraang linggo, ngunit dalawang bangkay lamang ang nabawi ng mga tropa ng Marines.
Nabatid na lumaki lamang ang bilang ng mga nasawing terorista dahil sa mga intelligence reports na nasagap ng militar, ngunit wala naman itong basehan.
Pormal naman na itinalaga ng militar si Brigadier General Rustico Guererro bilang bagong hepe ng Task Force Comet sa Sulu na dating pinamumunuan ni Brigadier General Eugenio Clemen. Nagpalit lamang ng puwesto sina Guererro at Clemen na parehong nalagasan ng maraming mga sundalo sa mga nakalipas na labanan. (Mindanao Examiner)
Sunday, September 27, 2009
Labanan sa Sulu, humupa na!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment