Sunday, October 11, 2009

Basilan, Zambo at Sulu niyanig ng lindol

SULU (Mindanao Examiner / October 11, 2009) – Niyanig ng lindol ang lungsod ng Zamboanga at lalawigan ng Basilan at Sulu, ngunit wala naman inulat na nasaktan o nasawi, ayon sa mga awtoridad.

Inulat rin ito ng United States Geological Survey sa kanilang alert at sinabing nasa 5.3 sa Richter scale ang lindol na naganap nuong Sabado ng hapon. Natunton umano ang epicenter ng lindol halos 180 milya ang layo mula sa Sulu.

Wala rin ulat ng anumang tsunami na sanhi ng lindol na nagmula sa karagatan.

Ito ang ikalawang beses sa loob ng ilang araw na nagkaroon ng lindol sa Sulu. Ang ating bansa ay sinasabing Pacific "Ring of Fire" na kung saan ay patuloy na gumagalaw ang continental plates na siyang sanhi ng mga lindol.

Nuong 1976 ay isang tsunami ang kumitil sa libo-libong buhay matapos ng isang malakas na lindol sa Moro Gulf sa katimugan ng bansa. (Mindanao Examiner)

No comments: