Sunday, October 11, 2009

Secretary Nabil Tan, Hinirang Na Bagong Peace Adviser!

ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / October 11, 2009) – Itinalaga bilang bagong hepe ng Office of the Presidential Adviser for the Peace Process si Undersecretary Nabil Tan matapos na magbitiw sa kanyang tungkulin si Secretary Avelino Razon upang sumabak sa halalan sa susunod na taon.

Kinumpirma ito ngayong araw sa pahayagang Mindanao Examiner ni Brigadier General Nur Askalani ng OPAPP ang pagkakatalaga kay Secretary Nabil Tan at ito na rin ang mamumuno sa mga peace negotiations sa New People’s Army at Moro Islamic Liberation Front.

“Si Secretary Nabil Tan na ang pinuno ng OPAPP,” ani Askalani.

Nasa Zamboanga City si Askalani matapos itong magbigay-galang kay Sulu Governor Sakur Tan na kapatid naman ni Secretary Nabil Tan.

Nagbigay-galang si dating Muslim autonomous region Governor Parouk Hussein kay Governor Sakur Tan sa Zamboanga na patungo naman sa Maynila upang dumalo sa pormal na panunumpa ng kapatid sa Lunes.

Pawang mga respetado at maimpluwensya ang dalawang magkapatid at kilala bilang mga outstanding public servants sa bansa.

Umaasa naman ang MILF na pagiibayuhin ni Secretary Nabil Tan ang peace process sa Mindanao upang makamit ang kapayapaan doon. “We hope that peace will reign in Mindanao,” ani naman sa Mindanao Examiner ni Mohagher Iqbal, ang vice chairman ng MILF at pinuno ng peace panel na nakikipag-usap sa pamahalaang Arroyo. (Mindanao Examiner)

No comments: