ILIGAN CITY (Mindanao Examiner / April 3, 2010) – Nadakip ng militar ang isa sa tatlong rebeldeng New People’s Army na nakipagsagupaan sa mga sundalo sa lalawigan ng Agusan del Sur sa Mindanao.
Sinabi kahapon ng militar na naganap ang labanan kamakalawa sa Bayugan City matapos na matiyempuhan ng mga tropa ang 3 armado. Nabatid na sugatan ang nadakip na rebelde kung kaya’t inilikas pa ito sa isang pagamutan.
Walang inulat na sugatan o nasawi sa panig ng militar at kinilala naman ng Philippine Army ang sugatang NPA na si Jomar Mayordomo, 19. Nasa patrulya umano ang mga sundalo sa Barangay Calaitan ng masalubong ang mga rebelde at agad nagkaroon ng labanan.
Nakatakas naman ang kasamahan ni Mayordomo. Hindi naman mabatid kung ano ang ginagawa ng tatlo sa naturang barangay.
Ang NPA ay ang armed wing ng Communist Party of the Philippines na nakikibaka para sa sariling estado sa bansa. (Merlyn Manos)
No comments:
Post a Comment