Tuesday, June 22, 2010

Kaguluhan sa Cotabato, patuloy pa rin!

Nakaabang ang mga motorboat na ito sa pasaherong galing sa palengke sa Cotabato City sa Mindanao. (Kuha ng Mindanao Examiner).



COTABATO CITY (Mindanao Examiner / June 22, 2010) – Mistulang Afghanistan na ang lungsod ng Cotabato sa Mindanao dahil sa walang humpay na patayan at pambobomba doon at tila inutil ang pulisya at militar na mapigil ang krimen at terorismo.

Ito’y matapos na isang bomba na naman ang sumabog sa isang sangay Mercury Drugstore nuong Lunes, ngunit masuwerteng walang nasawi sa atake.

Pinaniniwalaang konektado sa extortion ang nasabing pagsabog.

Hiling naman ng mga negosyante doon na paigtingin ang intelligence at patrulya ng mga sundalo at parak upang mapigilan ang kaguluhan. Sinisisi naman ng iba ang ilang mga opisyal ng Cotabato dahil sa hindi nito maisaayos ang lungsod.

Minsan ng binansagan ng US Embassy na “doormat to terrorism” ang lungsod ng Cotabato.

Mismong si US Ambassador Francis Ricciardone ang nagbansag nito sa Cotabato ilang taon na ang nakaraan dahil sa matinding kaguluhan.

Ilang ulit na rin binomba ang lungsod na ikinasawi ng maraming sibilyan at talamak rin ang patayan at dukutin sa Cotabato. (Mindanao Examiner)

No comments: