MAGUINDANAO, Philippines (Mindanao Examiner / June 27, 2010) – Mariing Itinanggi kahapon ng Moro Islamic Liberation Front na nasa poder nito ang start witness sa binansagang “Maguindanao massacre” bago ito napatay sa bayan ng Parang sa lalawigan ng Maguindanao.
Ito ay matapos na lumabas sa pahayagan na si Suwaib Upham ay nasa pangangalaga ng rebeldeng grupo bago ito pinatay nitong buwan lamang. Si Upham ay kabilang sa mga pumatay sa 57 katao at 32 dito ay pawang mga journalists na sumama lamang sa political caravan ni Esmael Mangudadatu, na ngayon ay gobernador ng Maguindanao.
Isinabit ni Upham ang dating gobernador na si Andal Ampatuan Sr., at ang anak nitong si Andal Jr., ang mayor ng bayan ng Datu Unsay; at ilang pang mga miyembro ng Ampatuan clan.
Ngunit sa dami ng nalalaman ni Upham ukol sa massacre ay nagpasya itong bumaligtad sa takot na ipapatay ng mga Ampatuan matapos na isa-isang ang kanyang mga kasamahan.
Hindi naman mabatid kung bakit sinabi ng pulisya sa Maguindanao na nasa pangangangalaga ng MILF si Upham, subalit unang idiniin ni Andal Jr., ang rebeldeng grupo na siyang umanong nasa likod ng massacre.
“This is grossly unfair; how we could take care of someone who owed blood debt to the people?” tanong pa ni Bon Al-Haq, ang spokesman ng MILF.
Sinabi ni Al-Haq na malaki ang kasalanan ni Upham sa batas dahil sa massacre. Kaaway rin ng MILF ang mga Ampatuan dahil sa diumano’y pagnakaw ng mga ito sa lupain ng mga Muslim sa kanilang mga nasasakupang lugar at sa maraming krimen na umano'y kinasangkutan ng ankan. Itinanggi naman ng mga Ampatuan ang lahat ng paratang sa kanila. (Mindanao Examiner)
Sunday, June 27, 2010
MILF dumistansya sa isyu ng napatay na Maguindanao massacre witness
Labels:
Maguindanao Massacre,
Suwaib Upham
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment