Wednesday, July 28, 2010

Switzerland, Chile, at Cambodia may bagong ambassadors na sa Pinas

MAYNILA (Mindanao Examiner / Hulyo 28, 2010) - Tinaggap ni Pangulong Benigno Aquino III ang credentials ang tatlong bagong ambassador na bumisita sa kanya sa Malakanyang, ayon sa ulat ng Philippine Information Agency.

Unang bumisita si Ivo Sieber, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ng Swiss Confederation, na sinundan ni Roberto Mayorga Lorga, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary ng bansang Chile.

Huling dumating sa Malakanyang si Hos Sereythonh, Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary of Cambodia.

Ang tatlong foreign dignitaries ay ginawaran ng arrival honors sa Palace grounds bago ang private meeting kasama ang Pangulo. Kasama ni Aquino na humarap sa mga ambassador si Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo.

No comments: