Nag-alay pa ng mga kandila ang mga Tsinoy kamakalawa ng gabi sa isang rotunda sa Zamboanga City at nagdasal pa kasama ang ilang mga kilalang personalidad.
Napatay ni dating police officer Rolando Mendoza ang mga Hong Kong tourists nuong nakaraang linggo matapos na mapanood sa telebisyon sa loob mismo ng binihag na bus sa Quirino Grandstand ang pagdakip sa kapatid na pulis na si Gregorio Mendoza.
Pilit na isinasabit ng pulisya ang kapatid ni Mendoza sa hostage-taking at sinabing “accessory” ito na mariing itinanggi naman ni Rolando. Binihag nito ang tourist bus upang ipabatid sa publiko ang umano’y maling paratang sa kanya.
Tinanggal si Rolando sa serbisyo matapos na maakusahan ng robbery at extortion at kahit napatay ito sa failed rescue at assault ng Special Weapons and Tactics ng Manila Police District ay patong-patong na bintang pa rin ang ibinabato ng mga awtoridad sa kanya, kabilang ang isa umanong rape case na matagal ng naganap. (Mindanao Examiner)
Tuesday, August 31, 2010
Tsinoy, nakisimpatya sa taga-Hong Kong!
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Aug. 31, 2010) – Nakisimpatiya ang mga Tsinoy sa Zamboanga City sa madugong sinapit ng hostage-drama sa Maynila na kung saan ay 8 mga Hong Kong tourist ang napatay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment