Tuesday, October 05, 2010

Barangay, SK polls muling ibinasura ng MILF

MAGUINDANAO (Mindanao Examiner / Oct. 5, 2010) – Mahigpit na pinagbawalan kahapon ng Moro Islamic Liberation Front ang mga miyembro sa paglahok o pakikisawsaw sa darating ng Barangay at SK elections sa bansa.

Ang kautusan ay inilabas ng MILF Central Committee at nakasaad dito ang mahigpit na kautusang nilagdaan mismo ni Muhammad Ameen, ang Secretary ng MILF Central Committee, at Ghazali Jaafar, ang vice chairman rebeldeng grupo.

“You are hereby directed to abide by the provisions of this Memorandum banning all political and military officers in all levels to participate in the forthcoming October 2010 Barangay Elections…Any violator of this Memorandum will be dealt with accordingly under the MILF judicial system,” ayon pa sa kautusan.

Maging ang pangangampanya at pagsama sa mga political rally ay ipinagbabawal rin ng MILF sa mga miyembro nito.

”It is said that this so-called democratic system of choosing leaders is not only divisive, acrimonious and creates animosities and intrigues, but it also failed miserably to produce the best qualified people to run their affairs, and the consequence is a corrupt and strife-torn society in place, ayon pa sa MILF.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinagbawal ng MILF sa mga miyembro nito na lumahok sa Barangay at SK election. Hindi naniniwala ang MILF sa halalan ng pamahalaan sa paniniwalang hindi nito sakop ang mga Muslim sa bansa. Ang MILF ay matagal na nakikibaka para sa sariling karapatan sa Mindanao, na dating nasa ilalim ng mga sultan. (Mindanao Examiner)


No comments: