Thursday, October 07, 2010

Mindanao, niyanig ng lindol

KIDAPAWAN CITY (Mindanao Examiner / Oct. 7, 2010) – Niyanig ng lindol kahapon ang ilang bahagi ng Mindanao ngunit wala naman inulat na nasaktan o nasira sa mga impraistraktura sa nasabing rehiyon.


Ayon sa mga eksperto ay naitala ang lakas ng lindol sa 5.2 sa Richter scale sa North Cotabato, partikular sa Kidapawan City. Naramdaman rin ito sa mga lalawigan ng Sultan Kudarat at Davao.

“Medyo malakas ang lindol kung kaya’t naramdaman sa maraming lugar,” ani Hermes Daquipa ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology. (Geo Solmerano)


No comments: