Sa tradisyon ng Islam ay dapat mailibing ang bangkay ng isang naswing Muslim sa loob ng 24 oras. Tanging bangkay lamang na balot sa putting tela at walang kabaong ang dapat na mailibing. Ang paghahanda ng dasal para sa bangkay ng isang Muslim bago ito ilibing. Balot sa puting tela ang bangkay at tinatalian ito upang masigurong hindi ito matatanggal. Ganito kung paanong ilibing ang bangkay ng Muslim. (Mindanao Examiner)
BASILAN (Mindanao Examiner / Oct. 29, 2010) - Lingid sa kaalaman ng iba, walang Araw ng Patay o undas sa paniniwala ng mga Muslim, ngunit kakaiba ang tradisyon ng Islam. At tulad ng sa Kristiyano ay may mga sinusunod na pamamaraan ang mga Muslim kung sila’y namamatayan.
Sa tradisyon ng mga Muslim ay dapat mailibing agad ang namatay sa loob ng 24 oras at ang mga ritwal na kinapapaluuban nito ang pagpapaligo sa bangkay bago ito ilibing. Dapat ay malinis ang bangkay sa huli nitong hantungan. Matapos na malinisan o mapaliguan ang bangkay ay ibabalot naman ito sa puting saplot bilang simbolo ng kalinisan at saka ito aalayan ng dasal ng isang Imam.
Kalimitang nagtatagal ang dasal sa loob ng 5 minuto o mas mahaba pa. Janazah ang tawag sa dasal ng mga Muslim na alay sa patay. Tradisyon rin na naroon ang pamilya ng namatayan - maliban lamang kung ito’y nasa malayong lugar at imposibleng makauwi agad bago malibing ang bangkay - habang isinasagawa ang pagdarasal.
Matapos ng dasal ay ililibing na ang bangkay na balot sa puting tela. Kalimitang may hugis na titik L ang hukay ng libingan ng isang Muslim. Bago ipasok ang bangkay sa hulay na mistulang kuweba ay aalisan naman ito ng saplot sa kanyang ulo at saka ihihiga ng patagilid at nakahalik ang mukha sa lupa katulad sa pagdarasal ng mga Muslim.
Dapat rin ay nakaharap sa Mecca (ang sentro ng relihiyon ng Muslim sa Saudi Arabia) ang bangkay at ito ay palaging naka turo sa lugar na kung saan lumulubog ang haring-araw o sa kanluran. At saka tatabunan ang libing.
Ngunit iba naman ang paraan sa mga namatay na jihadist o holy warrior kung tawagin o yaong mga Muslim na nakikipaglaban sa digmaan. Kalimitan ay hindi inililibing na ito agad ay hindi na kailangan dumaan sa mga ritwal ng tulad sa nabanggit dahil mga “martir” na ang turing sa mga ito na namatay sa pakikidigma.
Subali’t tulad naman ng mga kristiyano ay naging tradisyon na rin ng maraming mga Muslim na gunitain ang kanilang mga mahal sa buhay 3 araw matapos na malibing ang bangkay o kaya ay sa ika-pito o ika-siyam na araw at may ika-45 pa nga na kung saan ay ginugunita ng mga naiwan ang sumakabilang buhay na. Dasal rin ang kanilang alay. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment