ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Nov. 16, 2010) - Naghigpit ang Bureau of Immigration sa Zamboanga City sa pagbabantay ng mga dayuhang pumapasok sa bansa ng ilegal.
Ito ay matapos na masakote ang 6 na Indian citizens na umano’y galing pa ng Malaysia at pumasok sa bansa mula Tawi-Tawi at nagtungo sa Zamboanga City.
Nadakip ang mga dayuhan nitong buwan ngunit hindi naman agad inilabas ang balita sa pagnanais na madakip ang utak ng sindikato mula India na siyang nasa likod ng pamumuslit.
Natatakot naman ang mga awtoridad na posibleng makapasok sa Tawi-Tawi ang mga terorista ng al-Qaeda at Jemaah Islamiya dahil sa malawak ng karagatan sa katimugan.
Talamak rin ang ilegal na pagtawid ng mga Pinoy sa Tawi-Tawi upang magtrabaho sa Malaysia dahil sa laki ng bayad doon ng mga skilled workers. Karamihan sa mga Pilipinong tumatawid ng ilegal sa Malaysia ay sa Sabah o North Borneo ang bagsak at doon ay nagtatrabaho sa mga construction sites at palm plantations.
Ang mga ibang Pinay naman ay sa mga bars ang bagsak at ang mga bakla ay umaakyat ng mga barkong nag-stop over sa Sabah upang magbigay ng aliw sa mga seaman. (Mindanao Examiner)
Tuesday, November 16, 2010
BI naghigpit sa Zambo!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment