Tuesday, November 16, 2010

Mamma Maria's Pizzeria magbubukas sa Zamboanga City!


ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Nov. 16, 2010) - Sa wakas, isang branch ng Mamma Maria’s Pizzeria (Authentic Italiano Pizza & Pasta) ang magbubukas sa Zamboanga City at inaasahang daragsain ito ng marami dahil sa masarap at espesyal nitong menu.

Ang Mamma Maria’s Pizzeria ang may hawak ng record sa pinakamalaking pizza sa buong bansa – 63 pulgada. At sa Zamboanga ay nasa Nunez Extension at kaharap lamang tanggapan ng Mindanao Examiner at ngayon pa lamang ay maiinit na inaabangan na ang pagbubukas nito.

Nabigyan rin ang Mindanao Examiner ng kopya ng menu ng Mamma Maria’s Pizzeria at sa dami ng pagpipilian pagkain ay siguradong masisiyahan ang publiko dahil lubhang masasarap ito. Sa pizza pa lamang ay may 27 flavors na ito at may sukat mula 8 pulgada at siyempre hanggang 63 pulgada.

May mga pasta rin ito sa kanilang menu at mga combo meal na bukod sa mura at talagang katakam-takam. Bukod sa pizza ay may Kebab rin ang Mamma Maria’s Pizzeria at tatlong klase ang maaring pagpilian- Kebab Plate, Kebab in Pita Bread at Shish Kebab.

Ang maganda sa restoran ay bukas ito sa publiko mula alas 9 ng umaga hanggang hating-gabi sa tuwing Lunes hanggang Huwebes at hanggang alas 2 ng umaga naman sa tuwing Biyernes hanggang Linggo. Nagsimula ang Mamma Maria's Pizzeria sa Pilipinas nuong lamang 2005 at naging tanyag ito sa kanilang mura at masasarap na menu. (Jung Francisco)

No comments: