KIDAPAWAN CITY (Mindanao Examiner / Nov. 2, 2010) – Isa umanong suspek sa pambobomba sa General Santos City ang nadakip ng mga awtoridad matapos ng mahabang surveillance operations sa Mindanao.
Nakilala ang suspek na si Andaman Binago, na umano’y miyembro ng Moro Islamic Liberation Front, at nahuli ito sa kanyang hideout sa Davao City. Ngunit mariing itinanggi ng MILF na tauhan nila si Binago.
At maging ang suspek ay nagsabing wala itong kinalaman sa akusasyon ng mga awtoridad at isa lamang itong magsasaka, ngunit ayon sa ulat ng militar ay si Binago ang nasa likod diumano ng ilang pambobomba sa General Santos mula pa nuong 2004.
Natunton umano si Binago matapos ng mahabang surveillance operation na inilunsad ng pulisya, militar at ng National Bureau of Investigation.
Hindi naman nagb igay ng karagdagang pahayag ang mga awtoridad ukol kay Binago at iniimbestigahan pa diumano ang suspek ukol sa iba pang atake sa Mindanao. (May karagdagang ulat ni Geo Solmerano)
Tuesday, November 02, 2010
Bomber, laglag sa Mindanao
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment