Tanging dasal at kandila na lamang ang kanilang alay sa sementeryo sa Kidapawan City dahil hindi natagpuan ang mga puntod ng kanilang mga mahal sa buhay. (Mindanao Examiner Photo - Geo Solmerano)
ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Nov. 2, 2010) – Naging tahimik ang Undas at Araw ng mga Patay sa Zamboanga City at kalapit nitong lalawigan, ngunit kapuna-punang menos ang kapal ng tao sa mga sementeryo kung ihahahambing sa mga nakalipas na taon.
Sa ulat ng pulisya ay walang karahasan na naganap sa mga sementeryo dito at gayun sa Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur. Tahimik umano ang dalawang araw dahil na rin sa mahigpit na seguridad na pinaiiral ng mga awtoridad.
Ngunit mas maliit ang bilang ng mga taong nasa sementeryo sa Zamboanga City at ayon sa iba ay hindi umano sila nagtagal sa sementeryo at sa halip ay nagpahinga na lamang sa bahay.
Reklamo ng karamihan ang kamakahalan ng mga bulaklak at kandila. “Mahal lahat at pati kandila at mga bulaklak na noon nakaraang taon ay mura lamang ay nagyon sobrang mahal,” ani Wilberto Santiago, na dumalaw sa puntod ng ama sa Zamboanga City.
Reklamo rin ng iba ang talamak na nakawan ng kandila sa mga puntod at maging mga bulaklak na kanilang binili ay nawala rin at posibleng ibinibenta naman sa mas murang halaga. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment