SINALANTA ng mga insekto ang mahigit sa 2,700 ektarya ng sakahan sa tatlong lalawigan ng Panay at ayon sa mga ulat ay mahigit pa sa 58,000 ektarya sa Iloilo ang nilusod ng mga pesteng “waya-waya”.
Sa ulat ng Department of Agriculture ay nabatid na galing pa sa bansang Tsina o Vietnam ang mga insektong kahintulad ng tipaklong na napadpad lamang sa Bisayas. Subalit nangangamba ang mga magsasaka na ang mga insekto ay mag-iwan ng mga itlog sa kanilang sakahan at lalo pa itong dumami.
Kalimitang natutuyo ang mga sakahan dahil sinisipsip ng mga peste ang katas ng mga halaman. Ang mga magsasaka naman ngayon ay gumagamit ng insecticide upang mapatay ang peste.
Nanawagan rin ang mga magsasaka sa pamahalaan na tulungan silang makontrol ang peste at malaki na umano ang epekto nito sa industriya ng agrikultura sa mga lalawigan. (Mindanao Examiner)
Tuesday, November 02, 2010
Sakahan sa Panay, Iloilo sinalanta ng peste
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment