Tuesday, January 18, 2011

Hepe ng pulisya sa Marawi, patay!


ILIGAN CITY (Mindanao Examiner / Jan. 18, 2011) – Patay ang hepe ng pulisya sa Marawi City sa Lanao del Sur province matapos na sumalpok ang minamanehong kotse sa isang truck sa Misamis Oriental province sa Mindanao.

Kinilala naman ng pulisya ang biktima na si Superintendent Nasser Dima. Naganap umano ang sakuna sa bayan Manticao habang pagbalik sa Marawi City si Dima nuong Lunes.

Agad naman sumuko sa mga awtoridad ang driver ng truck at patuloy itong iniimbestigahan ng pulisya ukol sa aksidente. Hindi naman makapaniwala ang pamilya at mga kaibigan ni Dima sa naganap na trahedya. (Mindanao Examiner)

No comments: