Monday, January 17, 2011

Purefoods hotdogs na nabili sa Zambo, maasim!


ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Jan. 17, 2011) – Inireklamo kahapon ng isang custormer ang umano’y maasim ng hotdog na kanilang nabili sa isang malakling supermarket sa Zamboanga City sa Mindanao.

Nabili umano sa Southway Mall supermarket ang isang kilo ng Purefoods Chicken Tasty hotdogs at nabatid na sa Enero 30 na pala ang expiry nito at may kalagkitan na ang mga ito na nababalot bawat isa sa plastic.

At ng lutuin umano ang hotdog para sa meryenda ng mga bata ay napansin nilang may kaasiman ang lasa nito ito at may kakaibang amoy. At sa akalang nasa plastic packaging lamang ang amoy ay hinugasan ang hotdog at ng lutuin ito ay ganoon pa rin ang lasa.

Hindi naman mabatid ang dahilan ng kakaibang lasa ng hotdog.
Isang buong araw naman tinangkang tawagan sa telepono ang Purefoods office sa Zamboanga City upang ireklamo ang paninda, ngunit isang araw rin na hindi ma-contact ang naturang tanggapan.
Inako naman ito ng Southway Mall supermarket at nag-alok na palitan ang hotdogs. (Mindanao Examiner)

No comments: