ZAMBOANGA CITY (Mindanao Examiner / Jan. 19, 2011) – Sinimulan na kahapon ng National Electrification Administration ang imbestigasyon sa mga umano’y anolmalya sa Zamboanga City Electric Cooperative sa Mindanao.
Ngunit hindi naman nagsidating ang mga board of directors ng kooperatiba na siyang nahaharap sa imbestigasyon dahil sa mga kwestiyonableng transaksyon at sa halip ay pawang mga abogado nila ang iniharap.
Halos bankrupt na ang kooperatiba dahil sa diumano sa mga anomalya. Kabilang sa mga transaksyon nito ay ang pagbili ng mamahaling kotse na ginagamit ng mga opisyal ng kooperatiba sa kabila ng pagkalubog nito sa utang. Nabatid pang iniutang sa banko ang perang ipinambili ng maraming KIA Sportage at iba pang sasakyan na umano’y overpriced rin
Nabalot rin sa eskandalo ang kooperatiba ng bilhin naman nito ang isang segunda-manong band equipment at sound system mula sa isang may-ari ng restoran na pinagdausan ng press conference ng mga board of directors. Umabot sa mahigit P1 milyon ang halaga nito.
Talamak umano ang anomalya sa kooperatiba sa ilalim ng pamumuno ni Reynerio Ramos, ang general manager; at Rolando Gregorio, ang chairman of the board of directors. Itinanggi naman nina Ramos at Gregorio at mga board of directors nito ang mga akusasyon sa kanila at sinabing naaayon sa batas ang lahat ng kanilang transaksyon.
Dahil dito ay inilagay ng NEA si Engineer Jesus Castro bilang Project Supervisor ng naturang kooperatiba upang mapaganda ang takbo nito. (Mindanao Examiner)

No comments:
Post a Comment